MGA URI NG PANG-ABAY





1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
May pananda
Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Halimbawa
Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan
Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.
Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika – 40 na kaarawan.
Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.
Halimbawa:
Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.
Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang
kalusugan.

2. Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay
Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.
Kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.
Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa iyong kaarawan.

3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.
Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Bakit siya umalis na umiiyak?
Tumawa siyang parang sira ang isip.

4. Pang-abay na pang-agam – nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.
Halimbawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan.
Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

5. Pang-abay na panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo, opo, tunay, sadya, talaga, atb.
Halimbawa:
Oo,asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

6. Pang-abay na pananggi – nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.
Halimbawa:
Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.
Ngunit marami pa rin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.

7. Pang-abay na panggaano o pampanukat – nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na gaano o magkano.
Halimbawa:
Tumaba ako nang limang libra .
Tumagal nang isang oras ang operasyon.

8. Pang-abay na pamitagan – nagsasad ng paggalang.
Halimbawa:
Kailan po kayo uuwi?
Opo, aakyat na po ako

9. Ingklitik o paningit – mga katagang lagging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan
- Mayroong 16 anim na ingklitik sa Filipino
ba daw/raw pala man
kasi din/rin tuloy muna
kaya naman nga pa
na yata lamang/lang
sana

10. Pang-abay na kundisyunal – nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa
-Pinangungunahan ng kung, kapag o pag at pagka
11. Pang-abay na kusatibo – tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa
- Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa

12. Pang-abay na benepaktibo – tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng pandiwa.

13. Pang-abay na pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil o ukol





Join us now

Facebook group

Comments

Popular posts from this blog

LET Reviewer: General Education-English

LET Reviewer: How to compute the LET PASSING RATE?

Profed Final Coaching Summary 1