HELPFUL TIPS before the LET


Para sa MARAMING ASPIRING LPTs, ang LET ay isang MALAKI AT MAKAPAL NA PADER na dapat lusutan upang maging isang ganap na PROFESSIONAL TEACHER. Kaya naman napakahalaga ang PREPARATION kung nais nating matibag ang pader na ito.
WARNING: Long post ahead ⚠️

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
1. START REVIEWING NOW.
Time is a very critical factor if you are to PASS the LET. 'Wag nang hintayin ang next week or next month para magsimula ng pagbabasa at pag.recall ng terms and concepts. The earlier you start your preparation, the better chance of gaining wider scope of knowledge and understanding. Tanungin mo sarili mo, "Sino si Urie Bronfenbrenner?", "Ano ang theory niya sa education?". 'Pag hindi mo masagot at this moment meaning kailangan mong alamin dahil BASIC pa lang yan at marami pang iba. Kung may budget ka, i.schedule mo na rin kung kelan mo gusto mag.REVIEW CENTER.

2. GUMAWA KA NG PERSONAL REVIEW STRATEGY.
For example sa mga SELF-REVIEW. April to May focus ka sa GEN.ED. (strictly wala munang Prof.Ed. at Major). June to July focus ka naman sa Prof.Ed., then August to September MAJOR mo naman.. ganun. Ang point is dapat ORGANIZED ANG INFORMATION sa SCHEMA mo. Logically, SEQUENCE is also a factor for effective recall of information.

3. GUMAWA KA NG LOG BOOK
parang diary na kung saan isusulat mo yung mga natapos mo nang i.review... Bakit?.. kasi may tendency na paulit.ulit na pala yung mga binabasa mo na hindi mo na.NOTICE na dapat MASTER mo na. Because of the LOG BOOK you will be able to MONITOR your review progress. Isulat mo din yung scores mo during your exercise tests, anung oras ka nagsimula at natapos mag.review within the day, etc.

4. GATHER AS MANY REVIEWERS POSSIBLE.
Manghingi man o bumili ka ng reviewers para lumawak pa ang scope content mo. Parang mangingisda, kung maliit ang lambat, konti lang o worst walang huli sa lawak ba naman ng dagat. KUNG MAS MALAKI at MALAPAD ang lambat, mas malaki din ang chances of PASSING the LET. MAXIMUM EXPOSURE to as many questions possible is also a factor para pumasa. Wag mag.NEGATIVE Mindset at sabihing "wala din namang lalabas jan!" Paano kung meron?.. eh di sayang yung 1point na sana kung nasagot mo nang tama ay umabot 75% yung total rating mo. WAG KANG KURIPOT mag.invest sa iyong LPT dream, bumili ka rin ng reviewers at wag masyadong umasa sa hingi.

5. POST STUDY GUIDES ON YOUR WALL
or in places you usually stay long. Isulat mo sa manila paper, o cartolina, or sa likod ng lumang kalendaryo. Yung tipong paggising mo sa umaga mababasa mo agad "METACOGNITION refers to the ability to relate and apply the concepts of one situation to another." Tapos bago ka pumikit sa gabi may pahabol na "PPST - Philippine Professional Standards for Teachers". We suggest of course wag naman ESSAY type ang pagkakasulat ng study guide. Make it in BULLET FORM para mas maraming information in a maximized space.

6. AUDIO RECORD STUDY GUIDES. Ito po ay isang RARE TECHNIQUE -
konti lang ang gumagawa nito. Paano ba ito gawin?.. Habang binabasa mo yung study guide, or bullet form reviewers mo, I.RECORD MO ANG SARILI MO GAMIT ANG CP. Limit each recording to 3minutes parang isang full length na kanta. Tapos lagyan mo ng file name, halimbawa, "Lev Vygotsky" na kung saan recorded lahat ng concepts ng SOCIAL CONSTRUCTIVISM, scaffolding, ZPD, MKO, etc. Magagamit mo ang AUDIO RECORDINGS na'to kapag pagod na ang mga mata mo sa kababasa, o habang nkasakay ka sa jeep, o bago ka matulog. Time will come, lahat ng recordings mo ay memorized mo na parang isang kanta na LSS ka palagi. 👍

7. LIST DOWN 7 NAMES OF PASTORS/ PRIESTS/ IMAM/ ULAMA to pray for you before the LET.
Well, this is just a tip.. you may not do this. The purpose of this is to get our spiritual elders to bless our journey to LPT. Our efforts will be magnified if we bring it to GOD in prayer.

8. TAMANG TULOG, TAMANG PAGKAIN, and TAKE MEMORY ENHANCERS at least 2 months before LET.
Napakahalaga na alagaan ang health if we are to pass the LET. Although we cannot be certain if Memory Enhancers really enhance the memory, let's just hope it will. Kung wala naman talagang effect, it will give you the boost of morale that you have done everything you could. 🙏

9. SUMALI SA MGA LET REVIEW GROUPS.
Maraming active LET REVIEW groups at GC kung saan everyday merong drills at free reviewers. Marami kang matutunan sa kanila... BABALA: Iwasang pumatol sa mga irrelevant at toxic posts kagaya ng online business or mga anti-government issues. Later na kapag LPT kana.

10. MAGING EXTRA MABAIT SA KAPWA.
Magbigay ka sa mga namamalimos, magbayad ng pamasahe sa jeep, pasalamatan ang mga taong tumutulong sa iyo, iwasan ang pakikipag. tsismis, (mga lalaki) iwasan ang pamboboso sa katabi at kaharap. HINDI naman sa kailangan mong maging mapagkunwari pero dahil may kahilingan ka sa Diyos, kahit man lang ngayon maging extra mabait ka at sana ituloy-tuloy mo na.

11. SELF-TEST... SELF-TEST... SELF-TEST!!!
Subukan mong sumagot ng 50-100 items everyday and check your own work. Then record your scores to monitor your progress. This tip really needs consistent effort and personal committment.

12. HAVE A DAILY PERSONAL PRAYER.
Ipagdasal mo sa Diyos na pagdating ng actual exam kapag hindi mo talaga alam kung saan galing ang tanong at wala ka nang magawa... Letter B ang isi.SHADE mo. Ipagdasal mo sa Diyos na ibigay sa iyo ang LPT dream mo this year... believe in miracles and the power of prayer.

So yan, mga TIPS na pwde mong gawin upang masabi mo sa sarili mo pagdating ng LET na nagawa mo ang lahat na pwedeng gawin sa abot ng iyong makakaya at DIYOS na ang bahalang humusga sa iyong exam.

At dahil umabot ka dito sa pagbabasa,
ibig sabihin interesado at commited kang matutunan ang mga tips and advices para pumasa sa LET.

GOD BLESS YOU sa iyong Journey to LPT 🙏🙏🙏🙏😊

Join us now

Facebook group

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

LET Reviewer: General Education-English

LET Reviewer: How to compute the LET PASSING RATE?

Profed Final Coaching Summary 1