Measures of Central Tendency "Mean, Median and Mode"
"MEAN". Ito yung average ng lahat ng given numbers kapag pinag-add sila lahat at dinivide sa kung ilang items sila.
For example: Ito yung given numbers: 5,8,6,7,7,5,9,5
Ngayon, i-add natin sila lahat,
5+8+6+7+7+5+9+5 = 52
I-divide sa 8 yung 52 kasi 8 ang items natin.
Mean= 52 ÷ 8 = 6.5
Mean= 6.5
Note: This is UNGROUPED DATA.
"MEDIAN" naman. Bago natin kunin ang median, iaarrange muna natin ang items mula sa pinakamaliit na value papunta sa pinakamalaki.
Arrangement: 5,5,5,6,7,7,8,9
Ngayon, kunin na natin yung number/s na nasa middle. Alin yun? Yung 6 at 7.
Tapos I-add natin yung 6 at 7.
So, 6+7= 13
Yung sagot na 13, idivide naman natin sa 2 kasi 2 items yung inadd natin (which are 6 and 7)
Median= 13÷2= 6.5
Median= 6.5
Note: Kapag Odd ang bilang ng items natin, hindi na natin kailangan mag-add and divide sa pagkuha ng median. Yung pinakagitna na nila ang median mismo.
Example: 2,4,6,8,9,11,12
Since 7 items yan, odd number yun. So ang median yung pinaka-middle which is 8. 😊
"MODE" naman. Ito naman yung number mula sa items na most repeated. Sa items natin, alin ba yung inulit ng maraming beses? Number 5. Kung mapapansin nyo, tatlong beses sya naulit. 😊
Mode= 5
Note: Kung sa given items ay walang naulit na number, it means WALANG MODE 😊
Dagdag ko na ang Range. Ito yung difference ng Highest item at Lowest item.
Range = Highest item/score minus Lowest item/score
Yung highest natin ay 9 at ang lowest ay 5
Range = 9 - 5 = 4
Range = 4
Comments
Post a Comment