Testimony - Road to LPT
Road to LPT🎉❤️
Tatlong letra na gusto mo idugtong sa pangalan mo😊 pero di ganun kadali ang dadaanan mo bago mo makuha o maabot ang pagiging LPT ang daming pagsubok na ma eencounter mo, puyat, pagud, gutom, stress lalo na pag may work ka dapat balance lahat, magkasakit kapa, mamomoblema kapa financially minsan maiisip mo na nga lang na wag na ipagpatuloy kc ang daming trials sa buhay, tao lang din tau nanghihina din at nakakaramdam din ng pagud😞. Nung unang take ko way back september 2017 syempre fresh grad. Si ate nyo kaya grabe kumpyansa sa sarili na kaya ko at maipapasa ko tong LET pero sa totoo lang that time mas mahaba pa ung time ko na iginugul sa paglalaro ng ML kesa pag rereview kaya ayun dun na ako nagsipag na malipat na ang exam kaya namn pag labas ng result ayun 😭💔 lumagpak si inday syempre sobrang sakit daig ko pa yung hiniwalayan ng bf tapos mga classmate ko nun pasado e ako 😭 pero wala namn naitulong yung pag iyak ko nun e nag self pity pa ako nun pero d ko hinayaan na mas lalong i down self ko kaya isang magandang aral na yun sa akin na wag masyado kumpyansa sa sarili at kailangan mo mag focus sa goal mo tlga. Kaya un pag dating nanamn ng march 2018 laban nanamn ako nag review ako nun sa isang review center pero pang final coaching lang inavail ko tas ayun naulit nanamn🙁 d nakapagfocus anjan nanamn si ML tas pag nagrereview panay gamit ko ng phone ko 🙄 adik kc ako sa ML dati kaya hirap din iwanan ung bisyo ng paglalaro tsk which is hindi maganda😒 kaya 2nd time around bagsak nanamn si lea mae jusko ko apo! Iyak nanamn sabi ko pa sa sarili ko ang bobo ko umabot na tlga ako sa punto na ang baba na ng tingin ko sa sarili ko halos i kompara ko na self ko sa iba bakit si ganito nakapasa ako hindi? Ganun b tlga ako ka slow.? Tapos after nun 1week tlga akong d kumikibo ng maayos sa magulang ko pati sa mga kaibigan ko at sa taong mahal ko🙄 na depress kc ako nun pero di padin ako sumuko kahit nakakadalawa na akong bagsak never pumasok sa isipan ko na SUMUKO😞 ang inisip k nalng nung mga panahon na yun laban pa isa pa, kaya ko pa, makukuha din kita 💪🏻😊 motivated ate nyo nun para di din mag alala parents ko at mga taong nasa paligid ko na anjan palgi para suportahan ako😇.
3rd time September 2018 nag take nanamn ako ulet ganun ako ka palaban walang pinapalampas na board exam na hindi ako magtatake💪🏻 fighter tau e kaya laban lang dun balik ako sa pag self review nag dodownload ako ng mga bagong reviewer, nanghingi ako sa mga kakilala ko tas pinahiram din ako ng mga kaibigan ko ng reviewer nila nagsipag na ako that time nag focus na ako nun d na ako nag lalaro ng ml nun tapos ayun nag exam na ako as usual ang hirap naiiyak na ako sa major ko sabi ko mas lalong naging hard😭 tas pinanghinaan na ako kahit alam ko na sa umpisa palang na mejo tagilid na ako sa laban na to parang alam ko nanamn ung result nito 😢😔 pero kahit ganun d pdin ako nawalan Ng pag asa naniniwla padin ako na kaya ko to💪🏻😇 ayun umuwing naka ngiti kunwari di nahihirapn tas harap sa mga kaibigan na kunwari di kinakabahan at d feeling down magaling tau magpanggap e 😞 yoko kc na kaawaan ako kc mas lalong malulungkot at malolomorale ako nun tas ayun may result na . . ..
RESULTS ARE OUT! 👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻😇 pls sana isa ako sa mga nakapasa pag tingin ko👀😭😭 wala pdin name ko😭💔 ung time na un tinanong ko tlga si God ganun ba ako ka makasalann kaya di moko pinapasa? Nagsisimba namn ako everysunday, nagpapray ako everynight m, pero bakit ganun? Ung iba nga jan naganito ganyan ung ugali pinapasa mo ! Hala para na akong baliw nun umabot tlga ako sa punto na ganun di ko na inisip kung anu pinagsasabi ko, di ko nga namalayn ng mga panahon na yun na may nasasaktan na pala ako the way ako magsalita kc ang inisip ko lang self ko, nangyri sa akin bakit ganito! Na pepressure ndin ako nun sa mga tao sa paligid ko 😭 . Pero sa 3rd time na bumagsak ako ang dami kong na realize nun dun ko na sinimulan na intindihin ang mga bagay bagay na nangyari sa akin kung bakit til now d pa ako nakakapasa, alam kung maypagkukulang din ako kaya that time isinuko ko na lahat kay God lahat lahat 😇 tas alam mo yung feeling na dati ang dami kong tanong pero simula nung ipina ubaya ko na lahat kay God ang smooth na ng movement ng buhay ko ❤️ tas ang gaan na ng pakiramdam ko wala na ung doubt at mga negative vibes 😇👏🏻 at sabi ko ulet one more.
MARCH 2019, nagtake ulet ako lumaban ulet ako syempre hard talga ng exam lalo na ung major ko (English) nganga 😕 ako ang taong pinaka huli na lumabas sa room na un kc hirap na hirap tlga ako parang ayaw ko na tpusin sa sobrng hirap d ko na alm ung mga question dun e😅 san ba pinagkukuha yun grabe ha napaiyak ako dun😅 tas mga kaibign ko nasa lbas na hinihntay ako sa awa ng Diyos natapos ko din namn pero grabe madugong labanan tlga un m paglabas ko pa dami ko narining na ang sagot sa ganito is b tas sa # ganito is c ako nankikinig patay mali ako😞 hala laban lang tlga tau 😅 tapos ayun uwi na habang nasa byahe ako nun pblik sa amin nalamn ko pa na nasa hospital pala mama ko like shookt ako napaluha si inday hindi lang sinabi nila kc nag eexam ako 💔 pero buti nalng pag dating ko dun okay namn si mama pero napaiyak pdn ako kc nag woworry ako sa mama ko. Tas ayun waiting nanamn tau sa result🙄🙄☝🏻
May 25 2019 - ayn na kinakabahn nanamn ako ung alam mo every minute parang mahihimatay ka😅 tapos ayun pagkakita ko nawalan ng lakas ang tuhod at kamay ko😭 tas napaluha nalng ako😭😭😭😭😭 dahil NAKAPASA AKO💪🏻(victory) ung luha ng dahil sa saya ung nanghina k bigla dahil d k makapaniwala na nakapasa kana😭❤️ salamt Lord dahil sa lahat ng pagsubok na ibinigay mo sa akin hindi mo hinayaan n pumsok sa isipan ko na sumuko na at itigil na ang lban❤️😇☝🏻 hindi din madali ang pinagdaanan ko during my review days salamt sa #FTRC fam kc naging insteumento din sila sa pgging anung meron ako ngayon❤️😇 . Naniniwala din ako na may kanya kanya taung oras, di kailangn magmadali kc God's perfect timing is the best❤️💋 . Wag mo isipin ung sinasabi ng ibang tao hayaan mo nalng sila basta ang imp. May Panginoon ka jan sa puso mo at sa buhay mo trust His timing kaya mo yan ma'am and sir laban pa po wag susuko okay ❤️☝🏻 walang impossible manalig ka lang sa sarili mo na kaya mo, maipapasa mo yan at kung tapos kana gawin ang part mo ngayon ipa ubaya mo kay God 😇magugulat ka nalang sa ibibigay Niya kc sobra sobra pa sa hinihingi❤️ mo umaapaw na blessings para sau tiwala lang😘 chers💪🏻 one more❤️💪🏻😇. Ang lahat ng nangyayari sa atin ay may purpose di man natin alam kung anu un pero soon malalaman mo din kung para san yang luha na meron ka ngayon susunod luluha k nalng ng dahil sa tuwa❤️😘 . Chers tandaan mo may inihandang regalo si God sau wag ka lang mainip❤️. Fighting chers
Lea Mae CG- LPT🎉
All glory and honor to You, Lord❤️.
Wooow congrats po sa inyo maam. Very inspiring.
ReplyDelete