Tips how to pass the LET

Download now General Education Keywords&meaning 1
Gusto ko lang pong magbigay ng tips sa mga magtitake ng September 2019 LET, o kahit ano pa man na board exam. Di naman sa pagmamayabang pero dalawang board exam na ang naipapasa ko at 1 take lang pareho, at pareho ring mataas ang rating na nakuha ko. And take note, never akong naging top 1 sa klase, o cum laude nung college. Kung baga, hindi ako matalino. Haha. Kaya alam ko na kung nakaya ko, makakaya niyo rin at sana makatulong to kahit papano.

1. Wag mag-review kung tinatamad o di bukal sa kalooban mo kasi kahit anong pilit mo walang papasok sa utak mo. Mag-review o magbasa-basa lang pag feel mo na. Hindi sa lahat ng tao nagwowork yung pagrereview ng madaling araw. Kaya ang advice ko is magreview lang sa oras na "feel" niyo mag-review.

2. Maglaan ng oras sa pagrereview. Make it a habit to read as many questions as you can everyday, kung ilan lang ang kaya niyo. Malay niyo, sa 50 questions na nabasa niyo per day, 2 or 3 dun ang lumabas sa actual board exam.

3. Kung magrereview center kayo, trust your review center. Put your 100% trust sa review center na pinasukan niyo. Wag nang maghanap ng kung ano pang review materials online na hindi mo naman alam kung credible o galing sa reliable sources. Kung ano ang binigay na materials sa review center niyo, yun lang ang aralin. The more na marami kayong binabasa, the more na magugulo lang ang utak niyo.

4. Kung magse-self review, piliin ang review materials. Make sure na galing ito sa credible and reliable sources. Hindi lahat ng nakikita niyo sa Facebook groups ay tama.

5. Wag magtipid. Bumili ka ng libro. Bumili ka ng cartolina o manila paper. Mag enroll sa review center. Magkano lang naman magagastos mo sa books at sa review center compared sa sasahurin mo pag teacher ka na.

6. Alisin lahat ng distractions sa buhay. Kung puro negativity ang binibigay ng jowa mo, breakan mo. Kung napapansin mo na mas naglalaan ka ng oras sa social media kaysa sa pagrereview, mag deactivate muna ng Facebook o Instagram. Ano ba naman ang ilang buwang sakripisyo kung kapalit naman nito ay ang paghabambuhay na lisensya mo.

7. Avoid toxic people. Huwag sumama sa mga nega na tao. Sa halip, sumama sa mga taong masisipag mag review. Maganda kung mag gugroup study kayo kasi sigurado ako na may mga alam sila na hindi mo alam, and vice versa.

8. Do what works for you. Wag makinig sa sinasabi ng iba kung hindi naman yun applicable sayo. May iba na hindi na nagrereview a few days before the exam. Pero kung nagwowork sayo na nagrereview pa rin kahit bukas na ang exam, eh di go lang. Hindi lahat ng nagwowork sa iba, magwowork din sayo.

9. Wag puro review, maglibang din paminsan minsan. Nakakabaliw magreview kaya take time din na mag enjoy. Magpahinga ka din pag may time. Basta bumawi ka after mo maglibang.

10. Dumating sa venue nang maaga. Pag maaga ka sa school o testing center kung saan ka mag eexam, mapapanatag ang utak mo at di ka masstress. Pag di ka stressed, mas makakapag isip ka ng tamang sagot. Kaya advisable din na puntahan ang room assignment 1-2 days before the exam para kabisado mo na kung asan ang cr, ang canteen, etc.

11. EXAM TIPS. Applicable to sa kahit anong exam na ititake niyo in the future.

a. Process of elimination. Sa isang multiple choice question, may dalawa diyan na opposites. Halimbawa:

A. Deductive
B. Conducive
C. Inductive
D. Perceptive

Since alam mong opposites ang Deductive and Inductive, itira mo silang dalawa kasi isa diyan ang tamang sagot. Then saka mo na pag isipan kung alin sa dalawa ang tamang sagot.

Kasama din sa process of elimination ang pag eliminate ng same ideas. Kung sa apat na choices may dalawang pareho lang ang ibig nilang sabihin, ieliminate mo na sila. Halimbawa:

A. Pavlovian
B. Classical
C. Operant
D. Operational

Kung ganyan ang choices, ieliminate mo na si Pavlovian at Classical kasi pareho lang sila. Si Pavlov ang proponent ng Classical Conditioning.

b. The longer the better. Kung sakaling nag eliminate ka na at lahat at di mo talaga alam kung ano ang tamang sagot, usually kung alin ang may pinakamahabang explanation, yun ang tamang sagot. May mga times din kasi na yung pinakamahabang sagot sinasaklaw niya na yung sagot sa ibang options kaya yung pinakamahaba na ang piliin mo. Again, gawin mo lang to kung di mo talaga alam ang isasagot mo.

c. Look for key words/similar words. Wag pahirapan ang sarili. Usually nasa tanong na ang tamang sagot. Pag nahanap mo na yung key/similar word/s, bilugan o iunderline mo na ito para di mo makalimutan. Halimbawa:

Teacher A wants to assess the performance of the basketball team with their newly-acquired skills. What type of assessment can Teacher A use?

A. Journal
B. Portfolio
C. Performance-based test
D. Paper and pencil test

Bilugan mo na yung "performance" na key word sa tanong tapos ishade mo na yung letter C sa answer sheet mo. Wag mo na pahirapan sarili mo. Proceed ka na sa next number. Sayang ang oras.

d. The more plastic, the better. 😂 Magagamit mo to sa Prof Ed. Usually ang tamang sagot ay yung pinakamabait na sagot. Yung mga sagot na professional si teacher, role model si teacher, si teacher ang naghandle ng sitwasyon hindi niya nirefer sa principal, inaccept ni teacher ang learners regardless of background, nagbigay ng varied activities si teacher, etc. most of the time yan ang tamang sagot.

e. Wag sumagot based sa nangyayari sa buhay mo o sa kapitbahay mo. Lahat ng tanong sa Prof Ed may basehan. Halimbawa:

Are all LET passers required to take their oath before practicing their profession?

I'm sure may mga sasagot diyan ng NO kasi sasabihin niyo "yung kapitbahay nga namin... yung pinsan ko nga... yung kaibigan nga ng pinsan ng tiyahin ng mama ko..." pero under RA 7836, YES po ang sagot. Required po na mag attend ng oath taking bago ka makapagturo.

So I suggest na basahin niyo yung mga RA na yan and code of ethics para hindi based sa buhay niyo o buhay ng kapitbahay niyo ang isasagot niyo.

f. Iwasan ang may mga sagot na "it depends..." Walang it depends diyan kasi lahat yan may sagot, either Yes or No lang yan.

g. Kung halimbawa di mo alam ang isasagot mo sa numbers 34-45, as in blangko kasi super hirap na Math problem sila, wag mag-guess ng kahit anong letter. Stick to one letter lang. Kung A, iletter A mo na lahat. Kasi mas malaki yung chance na makakuha ka ng tamang sagot pag pareparehong letter lang sagot mo, kesa sa iba ibang letter ang sagot mo kasi pwedeng wala kang tamaan kahit isa.

h. Never question the question. May mga tanong sa actual board exam na mali ang grammar, wrong spelling, etc. Don't mind them at piliin lang ang pinakamalapit na sagot. Halimbawa:

Who established the tobacco monopoly in 1782?

A. MacArthur
B. James Basco
C. McDuffie
D. Rafael de Izquierdo

Alam mong Jose Basco ang tamang sagot pero wala siya sa choices. Yung James Basco ang isagot mo kasi yun ang pinaka malapit na sagot.

Ganun din sa Math problems. May mga pagkakataon na wala sa choices ang tamang sagot, pero never question the question. Kung 72 ang tamang sagot at wala siya sa choices, pero may nakita kang 22 sa pagpipilian, yun na ang isagot mo kasi maaaring typo error lang yun at naduling lang yung nagtype ng question.

12. Wag madamot sa reviewer. Pag may kaibigan, kakilala, o kahit hindi kakilala na gustong humiram sayo ng reviewer, pahiramin mo. Wag kang madamot. Yung mga kakilala kong madamot sa review materials hindi pumasa. Kaya matakot kayo sa karma. If you do good, puro goodness din ang babalik sayo. But if you do something bad lalo pa't may pinagdadasal kang lisensya, babalik din yan sayo mas malala pa. Proven and tested ko na to.

13. Bawal magkasakit. Alagaan ang sarili. Uminom ng vitamins. Wag magpaulan. Pag maganda ang well-being mo, mas makakapag review ka ng maayos.

14. Magdasal. Napakapowerful po ng prayers. At kung magdadasal din lang, itodo mo na. Iwasan ang magdasal ng "Lord, kahit 75 lang po." Hihingi ka na rin lang, itodo mo na. Gawin mo ng 95! Minsan yung mga humihingi ng 75, 74.8 ang binibigay sa kanila. Itodo mo kasi. Taasan mo, kasi nag review ka naman eh at binigay mo ang best mo. Trust your preparation pero wag maging overconfident.

15. Give back. Pag pumasa ka na, tulungan mo yung iba sa kahit anong paraan na kaya mo. Again, wag madamot. Kaya eto ako, shinishare ko sa inyo lahat ng alam ko.

Ayun, sana makatulong to sainyo. Sana sa September 2019 LET 100% na ang passing rate dahil sa binigay kong tips sa inyo. 😊

#Gud luck

Join us now

Facebook group

Comments

  1. Never allow excuses to hinder your review sked. Go to places and friends who review a lot. You sometimes need to exert effort to read and understand just like the law of inertia...the more you review, the more you will go for it. Stop complaining about this and that. You will only have a distaste for reviewing. Tell yourself, you need it. Start applying academics in your everyday situations.

    ReplyDelete
  2. Thank you so much i found this blog. Thank you for the tips.. First time Taker here. God bless and more aspirants board takers matulungan nitong blog nyo po..

    ReplyDelete
  3. Salamat po sa payo niyo sir. Napakagandang mensahi po para samin na mag tatake nang let. Ishashare ko din po ito sa mga ka groupmates ko po. Again, thank you po!

    ReplyDelete
  4. Very well expressed lahat ng tips nyo po. I remember a month ago, "wag madamot sa reviewer" naawa aq sa classmate q sa review kc hnd cia binibgyan ng handout ay hnd cia pinapa quiz kc un ang policy kapag hnd ka pa nkpagbayad ng full makikinig ka lang at mag ti take note pero hnd ka bbgyan ng handout at hnd ka rn pwdng mag exam . Parang pinipiga ang puso q nung mag exak km at lumabas cia ng review center. Hindi q cia kayang tingnan.
    Ang gnwa q nagpa photocopy aq ng handouts nmn at knbukasan binigay q sa kanya. Hindi p aq masaya kc gusto q mksabay cia sa amin. Kng may extra money lng sna aq aq n nagbayad ng balance nia.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

LET Reviewer: General Education-English

LET Reviewer: How to compute the LET PASSING RATE?

Profed Final Coaching Summary 1