LET Reviewer: Mga Pamahiin kapag Board Exam

Mga Pamahiin kapag Board Exam
* Mag-suot ng PULANG PANTY or BRIEF. Kung hindi kaya, magdala ng something na Pula. (Red is associated sometimes with Good Luck.)
* Ipatasa sa TopNotcher ‘yung gagamitin mong lapis para makapasa ka or mag-top. (Pero ‘yung kakilala kong Topnotcher, ayun haggard-na-haggard kasi ang daming nagpatasa sa kanya.)
* Surebol raw na papsa kapag hiniram mo ‘yung lapis na ginamit ng nag-top. (Sana pati utak nung Topnotcher nahihiram din parang pwede na rin i-ShareIt.)
* Bago gamitin ang lapis at mga dadalhin na materials sa Board Exam, ipa-bless muna kay St. Jude Thaddeus. Marami yatang St. Jude pero si St. Jude Thaddeus ang nilalapitan ng mga Board Takers. (Proven and Tested. Basta lang naging mabait ka and masipag ka during review days.)
* Mag-alay ng mga itlog kay St. Claire sa Katipunan raw ito. (Hindi ko lang alam kung ilang piraso ng itlog ang kailangan i-alay pero kung ako ang masusunod, isang tray ng itlog ang i-aalay ko.)
*NEW: Tapikin ang Blackboard, in English: “TAP THE BOARD” katunog ng “TOP THE BOARD” so dapat before anything else na gagawin ninyo sa loob ng Testing Room, Tap the Board to Top the Board.
* Kapag tapos nang mag-take, tadyakan ang inupuan. (Mas matinding tadyak mas masaya.)
* ‘Wag lilingon sa Testing Room or sa Testing Center, para hindi na umulit at bumalik muli. *Insert Meme: Uulit-ulitin ko pa ba?*
* Baliin ang ginamit na lapis matapos ang Exam. (Naikwento ng Prof. namin dati na may gumawa raw neto pero hindi siya nasali sa listahan ng nakapasa. Donate the used pencils instead.)
* Bawal mahulog ang lapis na ginagamit habang nagtetake ng exam. May hindi maganda itong pangitain. Kung nahulog man, palitan ito ng isa pang lapis mong extra.
* Mag-lagay ng barya sa loob ng sapatos. Dapat ang plantar surface ng Pedis mo, in-contact sa Heads ng barya. Mas malaking halaga ng barya, mas mataas raw ang chance na pumasa. (Ginawa ko to! 5 Pesos nilagay ko para wala na finish na!)
* ‘Wag magpagupit ng buhok kapag malapit na ang board exam. (Seriously, I did this. Some believe that our hair is an extension of nervous system at nasa buhok raw nakasama ‘yung mga nireview mo so wala namang mawawala kung susubukan.)
* Kapag papasok sa Testing Center at sa Testing Room, kailangan i-apak raw ang KANANG PAA. (Kasi raw you want to do things RIGHT.)
* Kapag lalabas naman ng Testing Center or Testing Room, unang i-apak ang KALIWANG PAA. (So that you will LEFT all masalimuot na memories habang nagtetake ne exam. Doon mo maiiwan lahat-lahat.)
* Magsindi ng PULANG KANDILA para sa RELASYONG FINISH NA. (De charot, kailangan pula na kandila hindi Pink.)
* Isa pang pamahiin pero parang hindi: Matulog ng 8hrs. (Para hindi ka natetense kinabukasan. Para pogi/ganda ka kapag pumunta ka ng testing center all eyes on you ang peg dapat.)
* ‘Wag uminom ng mainit na kape or mga inuming maiinit. (Ang mga maiinit na mga inumin ay nagpapabilis ng motility sa Intestinal Tract. Matatae ka for sure. Drink ICE COLD WATER, yung nagyeyelo na tubig. Pramis effective!)
* Halikan ang answer sheet bago ipasa sa proctor. (Bawal momol. Bawal yung bumabahang laway. Kiss or smack for good luck.)
* Eto hindi pamahiin. Magdasal kayo with your classmates sa school or classmates mo sa review center. Gather around have a prayer meeting, sabay-sabay kayong magpray. Doon mo mararamdaman ang unity at presence ni God. Doon mararamdaman mo ang iisang goal ng bawat takers: Ang makapasa ng Board.
Gagalingan natin takers! Good Luck! Fighting! Kakayanin!

Comments

Popular posts from this blog

LET Reviewer: General Education-English

LET Reviewer: How to compute the LET PASSING RATE?

Profed Final Coaching Summary 1