LET Reviewer: Tips How to Pass LET exam
Some Tips Para Pumasa sa Exam ✔️
Hmm. Pano ba simulan? Pero paalala lang. Mahaba to. Mas mahaba pa sa relasyon nyong wala na. Char.
Bakit ka ba kukuha ng Board Exam? Para Sayo? Para sa Pamilya mo? o trip mo lang? 😂
Anyways, KILALA MO NA BA TALAGA ANG SARILI MO? Baka di pa?! Kasi ako fresh grad ako last year, di talaga ako ready kumuha sa SEPTEMBER. kasi feeling ko di ako handa. (ayoko sumabak sa gyera na di handa! baka masaktan ako katulad ng pagsakit nya sayo 😅) At yknow! nandyan yung kaba na BAKA di pumasa, baka masaktan ako at di makamove on, at baka masaktan parents ko. (wala ng sasakit pa kung sisihin ka ng parents mo, gagawan ka ng kwento ng kapamilya at kapuso mo) nandon na yung sumbatan, awayan, stressed at depressed na after. (dasig ko bi masakitan 💔) AYAW KO NON! ayaw mo din, dba?
Next! BAKIT di ako nag review center? uhm. Ininterrogate ko kasi self ko. San ba ako mas madaling makastock ng knowledge? (dreaming na naman way back college ; during exams and long tests mas gusto ko mag aral mag isa. Mag aral sa umaga ng 4am o gabi, tapos ayun kinaumagahan, may naaalala naman ako at di bagsak score ko. Tapos alam nyo yung feeling na during discussion hindi lahat pumapasok? Nakikinig ka nga pero di mo maalala kinabukasan. Nandyan pa yung pagkakataon na, kwento kayo ng kwento ng katabi mo. (chismis overload teh!) tapos 20+ lang kami sa isang room ha! at sa review centers more than 50-100 people per session. Mas lalong di ako makafocus nun!) So again, ask yourself! San kaba magaling? Ang manloko o magpaloko? Chosss! I mean, san ka ba mas makapagfocus pag nag aaral, yung panggroup study ba or self study?
TIP ✔️ GROUP STUDY/REVIEW CENTER : yung pandamihan! o magreview center ka! Magbabayad ka ng 4000-7000 PERO! dun ka sa SIGURADO! Mag-SERGE ka ng mas magandang Review Center! Magtanong ka! (wag mahihiyang magtanong)
TIP ✔️ SELF STUDY : ito yung pinakamatatag! FAITH at DEDICATION ang panlaban! Syempre, use your friends! (total, dyan ka naman magaling ang manggamit ng kaibigan! pwe! plastik!) Jooocs only! 😂 syempre manghiram ka ng notes! manghiram ka sa mga FIRST TAKERS! may powers yung reviewers nila! Gamitin ang Reviewers thru ONLINE group pages! Guys, promise! may makukuha kayo dyan kahit isa dalwang tanong na lalabas sa exam.
B E F O R E
Actually guys, 2months and half ako nagself study. hindi 1 year, hindi 6months. i stopped working and focused sa study! and ofc mapamahiin akong tao galing sa mapamahiing pamilya. So ayun, tinanong ko friends ko na mga first takers! (desh, roms 😂) ano ginawa niyo?! So ayun they shared a lot! Group study sila at review centers din. Before matulog, paggising sa umaga STUDY. Visit VITO CHURCH before taking the board. Ipagbless ang materials. •pray before opening the materials during exam. Visit carmelights. (I did it all)
Also, I asked my bff (microbio passer, Joan) She said, read read and read! Pag pagod na, rest. Wag pigilan kung gusto matulog, we need rest. Visit 9 churches. Do their different pamahiin. (Yes! Some of the churches have different pamahiin. Alay egg, write petition, alay rosary and PRAY) I did it, too.
Pag may jowa gawing tagasagot ng mga tanong mo (wag puro landi) uhm babe, sinong presidente ang magnanakaw (edi ikaw babe, ninakaw mo puso ko e) Pwe! itapon mo na pala jowa mo! 😂
Pag may namatay kayong pamilya o kaibigan, pagdasal nyo din na tulungan at gabayan kayo. (YES! nafeel ko talaga ang presence nila, nakikita ko sila sa dreams ko. mga panahong nag aaral ako, at papalapit na ang result) THANKYOU LOLA BADAK and VERNE in heaven 😇
YES! ginawa ko na lahat! Kasi nga gusto ko ito na ang 1st and LAST ko. (di lng kase dapat jowa ang pinipray kay God, CAREER muna dzae!)
DURING EXAM
Dzoong and dzae! ITO NA! Syempre payong kaibigan na naman (sila lng din yung pinagtatanungan ko ng everything, choosy ako ee. Sila lang, sapat na 😂) Visit a church before the exam ask guidance and after exam thank God and Claim it, PAPASA KA! Also nagresearch din ako (mga pamahiin sa board exam) yung iba sinunod ko which is kaya ko, yung iba hindi, di ko kere ee. Also, malayo ako sa bahay kaya parents ko yung nagsindi ng kandila sa altar pagpasok ko sa room sinindihan din nila yun at di pinatay hanggang sa tapos na exam ko. MALAKING KANDILA kasi mahaba haba ang oras! (lakihan mo kase yung iyo! iyong pasensya para di ka iwan 😤)
INALALA KO YUNG MGA PROCTORS KO NUNG COLLEGE : •wag daw mag eerase! pag nag erase, tawagin lahat ng santo na kilala mo. (natry ko to pero di ako nag erase! ginawa ko to sa part na di ko alam ang sagot!) •wag kumain dahil may chance na mabahiran ng pagkain ang answer sheet.
AFTER EXAM HANGGANG LUMABAS NA!
TIP ✔️ Keep on praying as in everyday bes! wag matulog kung di makapagpray! (Kalimutan mo na ex mo, wag lang prayers mo) And Naniniwala din pala ako na sa every church na bago mo lang mapuntahan, ginagrant yung prayers mo.
*KONTING TIPS NA NABASA KO , NARINIG AT SINABI SAKIN️✔️✔️
♻️ wag magpagupit ng buhok hanggat di natatapos ang exam! (mapuputol daw relasyon niyo! jke yung pinag-aralan mo teh mawawala)
♻️ wag labas-pasok sa room pag nag eexam na. (baka pabalik balik kang kukuha ng exam)
♻️ pagpasok sa room, step right foot (para tama ang pagpili ng answer) paglumabas na left foot (para iiwanan mo na sha, i mean di kna babalik)
♻️ kumain ng mani habang nag aaral (nuts ha? di yung ibang mani 😅)
♻️ maglagay ng words sa manila paper sa tapat ng hinihigaan mo para mabasa mo lagi o sa salas (para habang nanonood ng tv, nagbabasa kung commercial na)
♻️ mag aral ka na tahimik ang paligid, 3-4am o sa gabi (wag na manuod ng cardo bes! di yan kasali sa exam)
♻️ magdasal bago magbasa ng notes
♻️ wag kang lilingon pagkatapos ng exam! (di ko to nagawa kasi akala ko hinintay ako ng friends ko sa labas, hinanap ko, hinanap ko iba na pala kasama nya 💔)
♻️Never ERASE! dahil ang isang pagkakamali, di yan makakatulong sa isang daang tama. (burahin mu na lahat ng alaala nyo pwera sa exam)
♻️Itlog. Ialay ang iyong itlog. Depende ata sa church. Yes! (tumatatak daw ang pinag.aralan di yung jowa mo twing exam)
♻️TOP THE BOARD. yes! wag kang nagsettle sa kahit 75 lng lang Lord. (no! higitan mo!) As long as deserving ka, GOD WILL DO THE REST.
YAY! sana tinapos nyo at may makuha kayo dito. Pag nag-aaral, mag-aral! di yung selfie ka ng selfie at pesbok ng pesbok pag nag aaral! Know your limitations gals!
⚠️ DAPAT DEDICATED, FOCUS, at higit sa lahat PANANALIG SA POONG MAYKAPAL ☝️
Comments
Post a Comment