LET Reviewer -General Education-Filipino Part-4 (50 Items)
FILIPINO (4)
1) Si Gaspar Aquino de Belen ay sumulat ng mahabang tula tungkol sa buhay ng ating Panginoong Hesu Kristo, nang lumaon ay tinawag na pasyon. Ang kahawig nitong genre ay ang ________.
a. Tibag
b. Panuluyan
c. Senakulo
d. Doctrina Cristiana
2) Noong panahon ng aktibismo pinaksa ang ________.
a. Kabulukan ng lipunan at pulitika
b. Nasyonalismo
c. kahilingan para sa reporma
d. karanasan ng mga tao ng nakaraang panahon
3) Ang gumamit ng kalipunan ng mga dasal satirical bilang panunuligsa sa mga prayle ay si ________.
a. Marcelo H. Del Pilar
b. Graciano Lopez Jaena
c. Jose Rizal
d. Pedro Paterno
4) Ang aklat na isinulat ni Modesto de Castro na patungkol sa kagandahang-asal ay ang ________.
a. Nuestra Senora del Rosario
b. Doctrina Cristiana
c. Urbana at Feliza
d. Panubong
5) Ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas ay ang ________.
a. Doctrina Cristiana
b. Nuestra Senora del Rosario
c. Barlaan at Josaphat
d. Urbana at Feliza
6) Ang dulang batay sa alamat ng singsing ng dalaga na naihulog sa dagat ay ang ________.
7) Ang El Filibusterismo ay inihandog ni Rizal sa ________.
a. Kanyang bayan
b. Kabataang Pilipino
c. Kanyang kasintahan
d. GOMBURZA
8) Ang awit pangkasal ay tinatawag na ________.
a. oyayi
b. kundiman
c. diona
d. soliranin
9) Ang Atin Cu Pung Singsing ay awiting bayan ng mga ________.
a. Waray
b. Ilokano
c. Kapampangan
d. Bikolano
10) Hinggil sa katamaran ng mga Pilipino ang ________.
a. Sobre La Indonecia delos Filipinos
b. Filipinos Dentro decien Años
c. A La Juventud Filipino
d. Mi Ultimo Adios
11) Tumatalakay sa katiwalian ng mga prayle sa Pilipinas ang ________.
a. Sobre La Indonecia delos Filipinos
b. Filipinas Dento decien Años
c. La Soberana en Filipinos
d. A La Juventud Filipino
12) Ang tinaguriang Ama ng Demokrasyang Pilipino ay ________.
a. Emilio Jacinto
b. Apolinario Mabini
c. Emilio Aguinaldo
d. Andres Bonifacio
13) Ang Himno Nacional Filipina ay isinulat ni ________.
a. Antonio Luna
b. Pascual Poblete
c. Jose Palma
d. Jose Panganiban
14) Ang gamit o “function” ng wika ay upang manatili ang pakikipagkapwa-tao ay:
a. interaksyonal
b. instrumental
c. representasyonal
d. personal
15) Ang palatandaan sa pagbasa na nagbibigay ng kaayusan ng mga salita saloob ng pangungusap
a. semantiko
b. sintaktika
c. sehematiko
d. morpema
16) Ang hindi kabilang sa mga katangian ng isang guro sa epektibong komunikasyon ay:
a. May malawak nakaalaman sa panitikan
b. Mahusay natagapagsalita ng wika
c. Mahusay makipag- interak sa mga mag-aaral
d. Palaging nakatuon sa mga ideya ng nasa teksto
17) Mas magiging masaya ang pag diriwang kung makakadalo ________ Luisito at Clara.
a. sila
b. kila
c. sana
d. sina
18) Mas magiging masaya ang pag diriwang kung makakadalo ________ Luisito at Clara.
a. sila
b. kila
c. sana
d. sina
19) Si Binibining Reyes ay umaawit at sumasayaw ________.
a. din
b. rin
c. daw
d. raw
20) Kinuha ________ pulis ang mga pangalan ng mga taong nakita sa pook ng krimen.
a. ng
b. nang
c. ang
d. ni
21) Ang Rizal Park ay ________ kaysa Bonifacio Park.
a. mas malawak
b. magsinlawak
c. pinakamalawak
d. napakalawak
22) Ang kopo nang De La Salle at kopo nang Ateneo ay ________ sa basketbol.
a. magsinhusay
b. magsin-husay
c. magsinghusay
d. magsing-husay
23) Magkasama sa rally sa Mendiola ________ Marlo at Lita.
a. kila
b. sina
c. sila
d. kina
24) ________ bagong proyektong pabahay ang Sangguniang Panglungsod para sa mahihirap.
a. mayroon
b. mag- isang
c. may
d. pag- iisang
25) Alas kuwatro ng hapon ________ bawian ng buhay si Pedro.
a. nang
b. nuong
c. ng
d. ang
26) Tuwang-tuwa ________ ng mangingisda ang maraming nahuhuling isda sa mga mamamakyaw sa pamilihan.
a. ipinagbili
b. binili
c. bumili
d. nagbili
27) Ang buhay ni Jose Rizal ay "bukas na aklat" sa mga Pilipino.
a. makasaysayan
b. lingid sa madla
c. alam ng lahat
d. itinatago
28) Ang damit ni Ara ay "palasak" na.
a. pangkaraniwan
b. luma na
c. hindi uso
d. mumurahin
29) Ang taong iyan ay kahit hindi mayaman ay "bulang-gugo."
a. maramot
b. kuripot
c. ayaw gumasta
d. laging handa ng gumasta
30) Sa bahay na iyan nakatira ang mga "kalapating mababa ang lipad."
a. mga babaeng masasama
b. mga babaeng walang asawa
c. mga inang walang anak
d. mga kalapating walang pakpak
31) "Kabagang" ni Ginoong Diaz ang kanyang kapit-bahay.
a kapalagayang-loob
b. kaaway
c. kausap
d. kapantay
32) Si Ruben ang "payaso" sa pamilya.
a. ama
b. nag papasaya
c. pinaka bida
d. panganay
33) Si Crispin ay isinilang na may kutsarang pilak sa kamay.
a. may dignidad
b. may kayamanan
c. may pag-ibig
d. may handing pagkain
34) Kahit saan magpunta si Nardo ay "nakikiindak sa sayaw."
a. nakikibagay
b. nakikipagsayaw
c. nakikipagsaya
d. nakikipag-usap
35) Ang sumulat ng titik ng Pambansang Awit ay si:
a. Rafael Palma
b. Julian Felipe
c. Jose Corazon de Jesus
d. Jejomar Binay
36) Ang kumatha ng himig ng Pambansang Awit ay si:
a. Rafael Palma
b. Levi Celerio
c. Julian Felipe
d. Graciano Lopez
37) Ang pahayagan ng katipunan ay:
a. Kalayaan
b. Herald
c. Ang Demokrasya
d. Tribyon
38) Ang nagtatag ng Diaryong Tagalog ay si:
a. Graciano Lopez Jaena
b. Marcelo H. del Pilar
c. Jose Rizal
d. Andres Bonifacio
39) Ang nagtatag ng La Solidaridad ay si:
a. Andres Bonifacio
b. Marcelo H. del Pilar
c. Jose Rizal
d. Graciano Lopez Jaena
40) Ano ang ibig sabihin nito “wika ang kaluluwa ng isang lahi”?
a. Ang wika ay kaluluwa ng isang lahi dahil naitala nito ang kasaysayan.
b. Ang wika ay may damdamin
c. Ang wika ay nakapagpapahayag ng niloloob ng tao
d. Ang tao at wika ay kapwa may kaluluwa.
41) Lubhang "matigas ang paninindigang" ipinamalas niya.
a. Prinsipyo
b. Paniniwala
c. Pananagutan
d. Proyekto
42) Anong uri na tayutay ang nakapaloob sa pahayag na ito? "Musika ang gamut sa nalulungkot niyang damdamin."
a. Pagsasatao
b. Pagpapalit-tawag
c. Pag-uyam
d. pagwawangis
43) Paano mapapayaman ang talasalitaan ng mag-aaral?
a. Dagdaan ang kanilang mga bagong salita sa pamamagitan ng pakikipag-usap, pagbabasa at pagsusulat
b. Sanayin ang mag-aaral sa scanning
c. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kabuuan ng diwa o kaisipan ng seleksyon
d. Ituro sa mga mag-aaral ang pagbasa ng magkaugnay na salita.
44) Ang bilis ng pagbabasa ay nauuri ayon sa _________.
a. Wakas ng binabasa
b. Pagpapaliwanag sa nilalaman o sa kaisipang binabasa
c. Masaklaw at malawak na pag-iisip
d. Kahirapan ng seleksyong binabasa.
45) Upang matamo ang mahalagang layunin sa maunlad na pagbabasa, kailangan ang _________.
a. Kritikal na pag-iisip at pagpapahalaga sa mga binasa
b. Imahinasyon
c. Pagkilala sa kahinaan
d. Interes at hilig ng bumabasa
46) Sa pagtuturo ng pagbabasa sa pangalawang wika, dapat isaalang-alang _________.
a. Ang simulain ng pagkakasunod-sunod ng mga yunit ng paksang aralin
b. Ang pagtatala ng mahalagang bahagi ng araling sasaklawin
c. Ang bawat bahagi ng balarila
d. Ang pagsasanay sa transisiyon
47) Aling paraan ang higit na magpapaunlad ng bilis sa pagbabasa?
a. Ipasalaysay sa mag-aaral
b. Magpakita ng iba’t ibang aklat
c. Magpakita ng album ng mga aklat na nabasa na.
d. Bigyan ng Gawain ang mga mag-aaral ayon sa kanilang kakayahan.
48) Si Ginoon Pepe ang nagbigay ng "salangkaw".
a. galak
b. gulo
c. salapi
d. lungkot
49) Masusing _________ ng huwes ang nasasakdal nang kami ay dumating.
a. tanungan
b. tinanong
c. pinagtatanong
d. tinatanong
50) Ako ay kanyang "kaututang-dila."
a. pipi
b. kaibigan
c. kaaway
d. kapatid
FILIPINO (4) ANSWERS:
1. C
2. A
3. A
4. C
5. A
6. A
7. D
8. C
9. C
10. A
11. C
12. D
13. C
14. A
15. B
16. D
17. D
18. D
19. B
20. A
21. A
22. C
23. B
24. C
25. A
26. A
27. C
28. A
29. D
30. A
31. A
32. B
33. B
34. A
35. A
36. C
37. A
38. B
39. D
40. C
41. A
42. B
43. A
44. B
45. A
46. A
47. D
48. D
49. C
50. B Download now
Powerful 😇
ReplyDelete