LET Reviewer - GenEd - Filipino Part-1 (30 Items)

Download now General Education Keywords&meaning 1
FILIPINO (1)

1) Kami ang kabataang siyang magiging pag-asa ng bayan.
a. Pagtula
b. Pagtatanong
c. Pagtkoy
d. Pasasalamat

2) Sabihin ang gawa ng pagsasalitang ito, “Iwasan ang imburnal, may nagtatrabaho”.
a. Pagtukoy
b. Pagkukuwento
c. Babala
d. Pasasalamat

3) “Oo. Ate, ________ na muna ako nang tubig”.
a. umaakyat
b. umakyat
c. mag-akyat
d. mag-aakyat

4) Ikaw naman kasi nagpahuli ka pa.
a. Pagkontrol ng kilos ng iba
b. Paglikha
c. Pagbibigay ng impormasyon
d. Pagbabahagi ng damdamin

5) “Hoy, Michelle! Tigilan mo muna ang ________ at kumain ka muna”.
a. Lalabhin
b. Lalabhan
c. Paglaba
d. Paglalaba

6) Ang tinawag na madamdaming mananaysay ni Carmen Guerrero Nakpil ay si –
a. Virgilio S. Almario
b. Teodoro A. Agaoncillo
c. Teo S. Baylen
d. Alejandro Abadilla

7) Ito ay isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng ating Mahal na poong Hesukristo at masasabing parang PASYONG itinatanghal sa entablado. Ito ay ang –
a. Moro-moro
b. Senakulo
c. Karagatan
d. Duplo

8) Ang mga sumusunod maliban sa isa, ay ilan sa mga akdang pampanitikang nagdala ng malaking impluwensya sa buong daigdig.
a. Ang Koran
b. Ang Divina Comedia
c. Ang Banal na Kasulatan
d. Ang Romeo at Julieta

9) Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Isang guro na lalaking anak na bunso ni Marcia si John.
b. Isang guro na si John, ang bunsong anak ni Marcia si John.
c. Isang guro na bunsong lalaking anak nni Marcia si John.
d. Isang guro na si John na bunsong lalaking anak ni Marcia.

10) Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Ang pabrikang pinagtatrabahuan nila malapit sa amin ay bago’t malaki.
b. Ang bago’t malaking pabrikang pinagtatrabahuan nila ay malapit sa amin.
c. Ang pinagtatrabahuan nilang malapit sa amin ay bago’t malaking pabrika.
d. Ang pabrikang malapit sa amin, bago’t malaki ay pinagtatrabahuan nila.

11) Kami ay nakikipagsapalaran sa lunsod. Ano ang ayos ng pangungusap?
a. Di-karaniwan
b. Karaniwan
c. Walang paksa
d. Walang pandiwa

12) Ang mahalagang ambag ni Severino Reyes sa dulang Tagalog na ang hangarin ay reporma sosyal at patriotismo ay ang –
a. Ang kalupi
b. RIP
c. Walang Sugat
d. Puso ng Isang Pilipino

13) Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Nagpapabata ang pulbos sa kutis na Clinique.
b. Nagpapabata sa kutis ang pulbos na Clinique.
c. Nagpapabata ng mukha sa kutis ng pulbos na Clinique.
d. Nagpapabata sa kutis ng mukha ang pulbos na Clinique.

14) Ikinalulungkot ko ang mga nangyayari.
a. Paghula
b. Pagsagot
c. Paghingi
d. Pagtatanong

15) Piliin ang gawi ng pagsasalita: Ipinadala niya ang mga aklat sa mga kaklase.
a. Direksyon
b. Aktor
c. Sanhi
d. Layon

16) Piliin ang gawi ng pagsasalita: Kasiyahan ko nang makita kayong nagmamahalan.
a. Pangarap
b. Pagkontrol ng kilos
c. Pagkuha ng impormasyon
d. Pagbabahagi ng damdamin

17) Ang kaugnayan ng pagkakapatay kina Burgos, Gomez at Zamora sa panitikang Pilipino ay ________.
a. nanatiling masigla ang diwang Pilipino.
b. nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.
c. natutong lumabag sa batas at lumaban sa maykapangyarihan ang mga Pilipino.
d. naimpluwensyahan ang diwang alipin ng mga Pilipino.

18) “Sa Lunes na pala tayo pupunta sa Subic. Ano ang ________ mong pagkain?” tanong ni Lito.
a. nadala
b. dinala
c. dadalhin
d. dinadala

19) Isa sa mahalagang katangiang dapat taglayin ng isang tao ay ang pagtitiwala sa sarili. Ang taong wala nito ay nagiging mahiyain. Ibinababa ang kanyang sarili, mahirap magtagumpay sa kanyang mga hangarin at nananatiling naiinggit lamang. Ang pangunahing kaisipan ay matatagpuan sa ________.
a. Ikalawang pangungusap.
b. Ikatlong pangungusap.
c. Ikaapat na pangungusap.
d. Unang pangungusap.

20) Ipinagmalaki mo siya BAHAG naman pala ANG kanyang BUNTOT. Ang ibig-sabihin ng may malaking titik ay ________.
a. kuripot
b. mahiyain
c. duwag
d. traydor

21) Walang tubig kahapon. Ito ay pangungusap na ________.
a. walang pandiwa
b. walang paksa
c. may panaguri
d. may paksa

22) Ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng MI ULTIMO ADIOS ni Jose Rizal ay si ________.
a. Emilio Jacinto
b. Apolinario Mabini
c. Andres Bonifacio
d. Rafael Palma

23) KUMATHA ANG MAKATA NG TULA. Ang kaganapan ng pandiwa sa pangungusap na ito ay ________.
a. layon
b. tagaganap
c. pangnakaraan
d. ganapan

24) Kabaliwan at paglulustay ang inyong ginagawa taun-taon. Higit na marami ang maralitang nangangailangan ng salapi at dunong. Ang nagsasalita ay ________.
a. kuripot
b. maramot
c. praktikal
d. matipid

25) Pinakamahalagang nobelang Pilipino sa maraming taon na nalimbag noong 1906 at tumalakay nang masinsinan sa paksang puhunan laban sa paggawa at sa sosyalismo ang ________.
a. Kundangan
b. Ang Panggingera
c. Salawahang Pag-ibig
d. Banaag at Sikat

26) Piliin ang gawi ng pagsasalita: Ayokong sumusunod sa mga sinasabi mo.
a. pakiusap
b. babala
c. pagtanggi
d. pamungkahi

27) Ang mga sumusunod maliban sa isa ay mga sagisag-panulat ni Marcelo H. del Pilar. Ito ay ang ________.
a. Pupdoh
b. Dolores Manapat
c. Kinting Kulirat
d. Piping Dilat

28) Ang tanyag na manunulat na may sagisag-panulat na Dimas-alang at Laong-Laan.
a. Jose Rizal
b. Jose Corazon de Jesus
c. Jose Garcia Villa
d. Jose dela Cruz

29) Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Ang mga kabataan kung maliwanag ang buwan ay nagtatakbuhan sa lansangan at naglalaro.
b. Ang mga kabataan ay naglalaro kung maliwanag ang buwan at nagtatakbuhan sa lansangan.
c. Ang mga kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan kung maliwanag ang gabi.
d. Ang mga kabataan sa lansangan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan.

30) Ikaw ba ang dapat sisihin sa nangyari?
a. Pagbati
b. Pagsasadula
c. Pagbibigay ng impormasyon
d. Pakikipagkapwa

FILIPINO (1) ANSWERS:
1. C
2. C
3. D
4. D
5. D
6. B
7. B
8. D
9. B
10. B
11. A
12. C
13. B
14. C
15. A
16. D
17. B
18. C
19. D
20. C
21. A
22. C
23. B
24. C
25. D
26. C
27. C
28. A
29. C
30. D

Join us now

Facebook group

Comments

Popular posts from this blog

LET Reviewer: General Education-English

LET Reviewer: How to compute the LET PASSING RATE?

Profed Final Coaching Summary 1