LET Reviewer: "PAPASA KAYA AKO KAHIT UNIT EARNER AND SELF-REVIEW LANG AKO?"
"PAPASA KAYA AKO KAHIT UNIT EARNER AND SELF-REVIEW LANG AKO?"
Hi mga chers! This is just my personal experience but I hope makatulong po sa inyo especially sa mga kukuha pa lamang po ng exam at sa mga katulad ko po na unit earners and self-review lang din po. I just want to motivate you po na nagnanais din na makapasa ng board exam/BLEPT ng hindi nageenroll sa review center na katulad ko ay medyo kapos sa budget. Clarification lang po mga Ma’am and Sir, I am not against po sa pag e-enroll po natin sa review center. I have a lot of friends na katulad ko ay nakapasa na rin at malaking tulong talaga ang review center dahil marami po silang maituturo na hindi natin makukuha ng self-review.
Okay, without further ado let me start this po.
1. Una, at pinaka una sa lahat na maiaadvice ko po sa mga kukuha ng LET. You PRAY for it. PRAY. PRAY. PRAY. This is one of the biggest factor kung bakit po ako nakapasa sa board exam. I know we are all praying as we take the board exam and for sure, lahat tayo ay naririnig ni Lord. Gawin po nating consistent ang prayer time natin. As early as now, start pleading to God about our desire to pass the board exam not just because we want the license but most importantly, we wanted to be used as an instrument/facilitator of learning sa mga future students natin. Dedicate this fight to Him. Everytime na magsisimula kang magbasa at magreview, pray and ask God to guide and lead you to those questions na lalabas sa board exam. I actually did this one and to my surprise while taking the board exam, marami sa mga tanong ay natatandaan kong na-review ko before. I also lead the prayer before the exam when our proctor asked for a volunteer, nagtaas ako agad ng kamay. Walang imposible pag dating kay Lord. Sa mga tanong na hindi ko alam ang sagot, mapapatingin ka nalang sa itaas at masasabing “Lord, hindi ko po alam ito. Kayo na po ang bahala.”
2. CONDITION YOURSELF.
Kumain ng mga healthy foods, mag exercise, huwag masyadong magpuyat. Pumili ka lang ng oras na kung saan ramdam mo na mas naa-absorb mo yung mga nirereview mo. Don’t force yourself. Kapag pagod ka, rest ka muna. A week before the exam, lahat ng mga bagay na maaaring magbigay sa akin ng stress ay inayos ko na. Maging sa work ko, sinigurado ko na kapag nasa Baguio na ako (since doon po ako kumuha ng exam) ay wala na po akong ibang iisipin at aalalahanin dahil mahirap po ang may distractions. Kung may nararamdaman po kayong sakit or karamdaman, magpacheck up napo kayo agad. Mahirap pong magexam ng umuubo.
3. SOFTCOPY AND PHOTOCOPY (My bestfriends during my review)
Ang tanging naging sandata ko po ay ang mga review materials na ‘hiram’, photocopies, softcopies mula sa mga facebook pages. Pinilipi ko po yung mga updated and PPST-based po dahil marami po talagang lumalabas mula dito. Even yung mga kaibigan ko po na nagrereview center, tinatanong ko po kung anu-ano ang mga tips na pwede kong i-apply habang nagrereview. Nagbasa-basa din ako mula sa mga websites, tips how to top the board exam(pagbigyan nyo na po ako, sabi nga po dapat determinado tayong mag-top para kung hindi man po natin ito maabot, papasa naman tayo). So ayun po, gamit na gamit din po ang Adobe Reader ko sa cellphone. Every free time, ginawa kong hobby at past time ang pagbabasa ng mga softcopies. Paulit ulit until mag-retain sa isip ko. I also used my past examinations from my previous educ units classes. Sobrang laking tulong po nito dahil most of our teachers ay mga actual questions from BLEPT ang ibinibigay. Maaari din po tayong manuod sa youtube ng mga mock exams para mas maging ready yung isip natin na mag-respond ng mabilis sa mga questions.
4. REVIEW BUDDY
Mas maganda pong magreview ng may kasama. I have my buddy and friends. Batuhan kami ng ideas and palitan ng mga nalalaman. Sa ganitong paraan mas natatandaan natin yung information unlike sa magisa ka lang na nagrereview. Although may sarili kang time na magisa, magkaroon ka din ng separate na oras para makapagreview ng kasama yung mga kaibigan mo. Malaking tulong mga bes. This idea came from one of my instructors before and sobrang effective nya.
5. UNIQUE LEARNING STYLES
Alamin din po natin kung paano tayo mas mabilis matuto. Like for example, sa case ko po habang ako po ay nagrereview mas trip ko po ang may pinapakinggan na music. Search po kayo sa youtube, marami po. Mas gusto ko din po yung nagddrawing-drawing sa mga handouts/reviewers ko po (Visual Learner). Yung iba naman po, mas okay po sila na nagrereview kapag madaling araw, while others are kapag umaga naman po. Also idagdag ko nadin po, i-recognize po natin at i-assess natin ang ating sarili kung saang area ang strength and weaknesses natin, from there, I-partition natin ang ating natitirang mga buwan ng pagrereview. Mas magbigay ng oras sa area na sa tingin mo ay mas nagangailangan ng mas mahabang oras. I don’t know about you, pero pag handaan po natin ng puspusan ang ating majorship.HEHE. Ito na po ata ang naging pinakamahabang tatlo at kalahating oras ng buhay ko. Hindi sya biro. Promise.
6. ADVANCED TARPAULIN LAYOUT
Ayun na nga po, nakakahiya man pong aminin pero ahead of time may layout napo ako ng CONGRATULATIONS tarpaulin ko po. Ginawa ko po ito as my motivation habang nagrereview. Naka-wallpaper sa laptop, sa cellphone at tinititigan ko sa mga panahon na gusto ko nang sumuko. I want my goal to pass the board be visible sa paningin ko. I want to convice myself na hindi na ako babalik sa Baguio para mag-exam ulit. I want to convice myself na kaya ko. Na papasa ako. Madalas kailangan lang po natin talagang maniwala at magtiwala. Maniwala sa ating mga sarili at magtiwala sa ITAAS 😊
7. PRESSURE
Isa ito sa mga nag-pwersa sa akin na mas ibigay ang effort na hindi ko pa naibibigay before. Nakaka-pressure yung iisipin ng ibang tao, nakakapressure yung sasabihin nila. Medyo tunog people pleaser but somehow, totoo po ito. Maiisip mo na dapat kang pumasa kasi dito nakasalalay yung tingin ng mga kamag-anak mo sayo. Use this pressure para gawing fuel sa pagdodoble effort ngunit never use this pressure para i-torture mo ang sarili mo. Hindi ka mageexam para sa kanila. Mageexam ka para sa sarili mo, sa pangarap at pamilya mo.
8. MAHIRAP ANG BOARD EXAM
Totoo po, hindi po ito biro. Hindi po lahat ng tanong sa board ay alam po natin. Marami po dito lalo na sa MAJOR (taas ang kamay ng nakakarelate). Hindi talaga natin alam kung saang planeta ba kinuha. Maging handa sa mga bagay na hindi natin alam. Pero huwag magpa-panic kapag makakaencounter ng mga tanong na wala kang idea kung ano ang tamang sagot (since magkakalapit lang talaga sila). Gamitin ang power of elimination chuchu (I’m not sure sa tawag eh, sorry na po. Hehe. Correct me if I’m wrong nalang po). Ito yung magbabawas ka ng mga obvious at sa tingin mo ay maling sagot. Magtira ka lang ng dalawang choices then form there, mamili ka ng best answer. Don’t worry bes, allowed naming sulatan yung questionnaire kaya okay lang na bilug-bilugan at guhit-guhitan yung mga salita. Ako nga nag-drawing pa. Promise. May mga nareview kasi akong graphic organizers na mas mabilis ma-recall.
Ang ginawa ko during the exam, sa questionnaire muna ako nagsagot ng nagsagot then kapag nasa 20 items na ang nasasagutan ko tsaka ko ito inililipat sa answer sheet (bawal madumihan mga bes). Incase na magkamali ka naman, okay lang yun. Burahin mol ang the itama. Marami nang nakapasa ng board na aminadong nagbura during their examinations.
Ang ginawa ko during the exam, sa questionnaire muna ako nagsagot ng nagsagot then kapag nasa 20 items na ang nasasagutan ko tsaka ko ito inililipat sa answer sheet (bawal madumihan mga bes). Incase na magkamali ka naman, okay lang yun. Burahin mol ang the itama. Marami nang nakapasa ng board na aminadong nagbura during their examinations.
9. LOOK FOR INSPIRATION
Bakit mo ginagawa ang ginagawa mo? For yourself? Para sa pamilya, or sa pangarap? Kahit ano pa ang ating dahilan. Mahalagang may inspirasyon tayo kung bakit natin ito sinimulan. So everytime na feeling mo ay nawawalan ka na ng gana, balik ka lang sa kung ano ang hugot mo sa buhay.
10. AIM HIGH
Biktima po ako sa mga katagang “75 lang okay na sa akin, basta pumasa” and there’s nothing wrong about it. I honestly prayed na kahit 75 okay na sa akin basta’t pumasa. Pero since nagse-set palang tayo ng goal natin. Push na natin ang mas mataas. Sanayin natin ang mas mataas na scores sa mga practice tests natin. Aim for 130+/150 habang nagsasagot ng mga review questions or mock exams. Mahirap sya, opo. Pero kung talagang gusto po nating pumasa, we really have to push ourselves to our own limitations. Char.
Marami pa pong mga tips and advices na hindi ko nasabi on how to pass the board exam. Lahat po ng aking nabanggit ay base lamang po sa aking experience. My intention po is not to brag or to boast but somehow to inspire you po na kaya po nating pumasa lahat. Wag po tayong susuko mga chers. Laban lang po mga future LPT’s. I hope nakatulong po ako. Papasa po kayong lahat! God Bless you po! 😇🙌🙏
this cheered me up for my qualifying exam :))) thank you and God bless
ReplyDelete