LET Reviewer: ANTAS NG WIKA, TEORYA NG PAGBASA at MGA ISTILO NG PAGBASA

Download now General Education Keywords&meaning 1

1. Pormal - wikang istandard dahil kinikilala, tintanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

1. Pambansa- salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Wikang panturo rin ito.
2. Pampanitikan- salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang matatayog, malalalim, makulay at masining.

2. Impormal 
–salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na ginagamit sa pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

1. Lalawiganin- gamitin ang ito sa mga particular na pook o lalawigan lamang .
2. Kolokyal- mga salitang may kagaspangan sa ng kaunti.
3. Balbal- slang kung sa Ingles. Gamitin ng mga pangkat-pangkat upang magkaroon sila ng sarili nilang codes.

TEORYA NG PAGBASA


1. Bottom up- (behaviorist) pagkilala ng mga seye ng mga nakasulat na simbolo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tunog (tugon o response).
-ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula s payugtu-yugtong pagkilala ng mga salita, parirala, pangungusap ng buong teksto bago pa man ang pagpapakhulugan sa teksto.
-ang tagabasa ay pasibong partisipant lamang
-outside-in o data driven

2. top-down- (Gestalt)- ang pag-unawa ay nagsisimula sa isip ng tagabasa tungo sa teksto.
- ang tagabasa ay isang napaaktibong partisipant sa proseso ng pagbasa. May dati nang kaalaman(prior knowledge) na nakaimbak sa kaniyan isipan at may sariling kakayahn sa wika (lanuage proficiency) na gamit.
-inside- out o conceptually driven

3. interkatib- (sikolohiya) higit na angkopang kombinasyon ng bottom-up at top-down sapagkat ang
proseso ng komprehensyon ay may dalawang proseso.
-ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kaniyang kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan kung saan nagaganap ang interaksyon ng mambabasa at ng awtor.

4. iskema- ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa nakikinig o mambabasa kung paano
nila gagamitin o paano bubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.

MGA ISTILO NG PAGBASA

1. Iskiming- pagbasang napakabilis na naisasakripisyo na ang pagkilala at pag-alam sa layunin. Madalas mangyari sa mga taong abala sa araw-araw na gawain.

2. Iskaning- higit itong nakapokus sa isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Hindi nito layuning makita ang lahat ng may kinalaman sa kaniyang paksa o maging ang kaisipan ng isang awtor. Ang mahalaga ay makita ang isang tiyak na nais sa pinakamabilis na paraan. Hal: numero,diksyunaryo, nanalo sa lotto,LET result

3. Prebyuwing- karaniwang pagbasa ng nilalaman bago ang kabuuang pagbasa.

4. kaswal- pagbasa nang walang layunin kundi ang magpalipas-oras lamang.

5. Kritikal- pagbasang may layuning makagawa ng isang komprehensibong report, riserts at iba pang dokumentong nangangailangan ng matibay na batayan. Sinusuri nang husto sa istilong ito ang bawat pahayag upang hindi maligaw sa pag-alam ng tunay na kahulugan.

6. Impormatib- may layuning makakuha ng wastong kabatiran

7. Muling basa- isinasagawa kung nagkaroon ng iba pang bagay na dapat kumpirmahin. Makabubuti ito upang matiyak ang mga impormasyong may kaunting kalabuan pa sa mambabasa. Hal: akdang pammpanitikan gaya ng tula

Join us now

Facebook group

Comments

Popular posts from this blog

LET Reviewer: General Education-English

LET Reviewer: How to compute the LET PASSING RATE?

Profed Final Coaching Summary 1