LET Reviewer: FILIPINO GRAMMAR


1. Isa sa mga kadalasangpagkakamali ay ang pag gamit ng NANG at NG

NANG - kung PAANO isinasagawa ang kilos.
Halimabawa:
Paano nagmahal? - Nagmahal nang seryoso.
Paano tumawa? - Tumawa nang napakalakas.
Paano pumila? - Pumila nang maayos.


NG - kapag sinasagot ang ANO.


Halimbawa:
Ano ang kinain mo? - Kumain akong adobo.
Ano ang ininom mo? - Uminomako ng softdrinks.


2. RIN vs DIN - kapag nagtatapos sa A, E, I, O, U, W at Y,  
ang sinundang salita,ang dapat gamitin ay RIN.

Halimbawa:
Bagsak pa rin ako.
Sa kanya pa rin babalik, 


sigaw ng damdamin.
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko,
magbago man ang hugis ng puso mo.
Ang bahay rin ay malaki.
Ang lugaw rin ay mainit.


- kapag hindi ito nagtatapos sa A, E, I, O, U, W at Y,  
ang dapat gamitin ay DIN.

Halimbawa:
Ganyan din ang sinabi niya sa akin noon.
Kumain din kami ng adobo kagabi.
Mapapasaakin din ang asawa mo, Monica.
Masakit din ang ginawa niya.


3. DAW vs RAW - kagaya rin ng DIN at RIN. Kapag nagtatapos sa A, E, I, O, U at W, Y ang sinundang salita, ang dapat gamitin ay RAW.


Halimbawa:
Sabi 'raw' ni Champ break na kayo?


DAW - kapag nagtatapos sa katinig maiban sa W at Y ang sinusundang salita, DAW ang gagamitin.


Halibawa: 

Sila pa rin 'daw' niNicole.

4. NINYO, N'YO vs NIYO


PORMAL:
NINYO - punong salita
N'YO - pinaikling ninyo kaya maykudlit (')


DI PORMAL:
NIYO - wala ito sa UPdiksyunaryo.


5. PA RIN vs PARIN - dalawang salita ang pa at rin kaya nararapat itong magkahiwalay.


Halimbawa:
"Umaasa pa rin akong sabihin mo, sana ako pa rin".


- Basha, One More Chance (2007) Mali ang salitang "parin".
Masiyado tayong abala sa pag- aaral ng lenggwaheng banyaga
kaya't nakakalimutan na natin ang sariling atin.



Comments

Popular posts from this blog

LET Reviewer: General Education-English

LET Reviewer: How to compute the LET PASSING RATE?

Profed Final Coaching Summary 1