LET Reviewer - Filipino major - ano ang TAYUTAY?
1) ALITERASYON (Alliteration) - Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng salita. Halimbawa:
a. Makikita sa mga mata ni Maria ang mga masasayang nangyari sa kaniya kasama si Marco. (makikita, mga, mata, Maria, masasayang, Marco)
ANO ANG TAYUTAY? Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa final na bahagi ng salita.
Halimbawa:
a. Ang aking pagmamahal para kay Rosal ay lalong tumatatag habang tumatagal. (pagmamahal, Rosal, tumatagal)
3) ASONANS - Pag-uulit ng mga tunog-patinig sa alinmang bahagi ng salita.
Halimbawa:
a. Ang aking alagang aso ay agad kong pinaliguan pagdating ko sa amin.
4) ANAPORA - Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o taludtod.
Halimbawa:
Ikaw ang aking pangarap. Ikaw ang bigay ng maykapal. Ikaw ang lahat sa akin.
5) EPIPORA - Pag-uulit sa huling bahagi ng pahayag o taludtod. Halimbawa: Ang Konstitusyon ay para sa mamamayan, Gawa ng mamamayan, At mula sa mamamayan.
6) ANADIPLOSIS - Pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o talutod.
Halimbawa:
Ang mahal ko ay tanging ikaw, Ikaw na nagbigay ng ilaw, Ilaw sa gabi na kay dilim, Dilim man o liwanag, ikaw ay mahal pa rin.
7) PAGTUTULAD (Simile) - Isang di-tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay gamit ang pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng, gaya ng, makasing, at magkasim.
Halimbawa:
a. Parang hari si Tonio kung mag-utos.
8) PAGWAWANGIS (Metaphor) - Isang tuwirang paghahambing ng magkaibang bagay at hindi gumagamit ng mga pariralang nabanggit sa itaas. Halimbawa:
a. Ang kanyang buhay ay isang bukas na aklat.
9) PAGHAHALINTULAD (Analogy) - Ito ay paghahambing na nagpapakita ng ugnayan ng kaisipan sa kapwa kaisipan. Halimbawa:
a. Ang mga dalaga ay bulaklak at ang mga binata naman ay bubuyog.
10) PAGBIBIGAY - KATAUHAN (Personification) - Ginagamit ito upang bigyang-buhay ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng mga gawi o kilos ng tao. Halimbawa:
a. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa akin.
11) PAGMAMALABIS (Hyperbole) - Lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kung pagkasusuriin. Halimbawa:
a. Narinig ng buong mundo ang iyong sigaw.
b. Huminto ang pagtibok ng aking puso nang makita kong may kasama siyang iba.
12) PAGPAPALIT-TAWAG (Metonymy) - Ito ang pagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy. Halimbawa: a. Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas. (palasyo - Presidente ng Pilipinas)
13) PAGPAPALIT-SAKLAW (Synecdoche) - Ito ay ang pagbabanggit ng bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan. Halimbawa: a. Apat na mata ang patuloy na tumititig sa kanya.
14) PAGLUMANAY (Euphemism) - Ito ay paggamit ng mga piling salita upang pagandahin ang isang dikagandahang pahayag.
Halimbawa:
a. Sumakabilang buhay kagabi ang ama ni Nena. (sumakabilang buhay - namatay)
15) PANAWAGAN (Apostrophe) - Ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
a. O tukso! Layuan mo ako!
b. Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.
c. Kamatayan nasaan ka na? Wakasan mo na ang aking kapighatian.
16) PAGHIHIMIG (Onomatopeia) - Sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito.
Halimbawa:
a. Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng matatalim na kidlat.
b. Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.
17) PAG-UYAM (Irony) - Isang pagpapahayag na may layuning mangutya ngunit itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri. Halimbawa: a.Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging ina niya lang ang humahanga.
18) PAGTATAMBIS (Oxymoron) - Ito ay ang paglalahad ng mga bagay na magkasalungat upang higit na mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag. Halimbawa: a. Kailan nagiging tama ang mali?
19) PAGLILIPAT-WIKA (Transferred Epithet) - Katulad ng pagbibigay-katauhan na pinagsasabay ang mga katangiang pantao na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
a. Madilim ang kinabukasan para sa kaniya at kaniyang pamilya mula nang iwanan sila ng kanilang ama.
20) TANONG RETORIKAL (Rhetorical Question) - Ito ay isang tanong na walang inaasahan sagot na ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.
Halimbawa:
a. Natutulog ba ang Diyos?
b. Bakit napakalupit ng kapalaran?
Thank you so much
ReplyDelete